Dakong alas-11:45 ng umaga nang matagpuan ang reticulated python sa harap ng #1 Gladiola St., Brgy. Roxas ng mga residente at dinala sa barangay hall.
Tinataya namang umaabot sa siyam na talampakan ang sawa na nakuha na bahagyang nabalatan. Maaaring pinalo umano ito ng mga nakakita.
Ayon kay barangay hall administrator Manuel Salumbides, ito na ang ika-limang pagkakataon na nakakita ng sawa sa kanilang barangay. Aniya, posible umano ang malamig na klima sa kanilang lugar ang isa sa mga dahilan ng paglabas ng mga sawa.
Dati umanong napapaligiran ng mga bundok at mataas ang lugar kung kayat posibleng gawing pugad ng mga sawa.
Agad din nilang iti-turn-over sa Protection and Wildlife Bureau ang sawa upang mabigyan ng maayos na lugar. (Doris Franche)