Magkayakap pa nang matagpuan ang mag-inang sina Jane, 27; at Irish Baylon, 8; sa ikalawang palapag sa loob ng kuwarto ng kanilang nasunog na bahay sa #5324 Diesel St., Brgy. Palanan ng lungsod na ito.
Ayon kay Makati City Bureau of Fire Protection officer-in-charge Chief Insp. Rogelio Bacayo, nagsimula ang nasabing sunog dakong alas-4:15 ng madaling-araw sa ground floor ng bahay ng mga Baylon.
Nabatid na napabayaan ang kandilang nakatirik sa altar ng Sto. Niño kaya nang matunaw ito ay mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.
Nailigtas naman ng mga rumespondeng mga kapitbahay ang tatlo pang anak ni Baylon subalit dahil sa kapal ng usok ay hindi na nagawa pang mabalikan ang mga biktima kahit ng mga rumespondeng bombero.
Tumagal ang sunog ng halos isang oras na umabot sa ikalawang alarma habang wala namang iba pang kabahayan ang nadamay dito. (Edwin Balasa)