Nabatid na sumabog ang baradong poso negro sa nabanggit na piitan kung kayat bumaha rito ng dumi ng tao.
Maging ang kalapit residente ay hindi na makahinga sa tindi ng baho na kanilang nalalanghap.
Ayon sa ilang pulis, hindi na umano sila makapagtrabaho nang maayos dahil halos masuka sila sa nalalanghap, lalo na umano ang mga preso sa loob ng piitan na limitado ang lugar na ginagalawan.
Ilang araw na umano nilang idinadaing ang naturang amoy, subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring kaukulang aksyon maging ang pamahalaang lungsod ng Pasay.