Security agency tinangayan ng 50 pirasong baril

Pinasok ng sampung katao na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang isang security agency at tinangay ang 50 pirasong baril ng establisyemento, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nabatid na dakong alas-10:40 ng gabi nang pasukin ng mga suspect ang Dasia Security Agency sa panulukan ng Galvez St., at Park Avenue sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, may 35 piraso ng M 16 Armalites, 13 shot guns, dalawang .38 caliber revolvers ang natangay sa nasabing establisyemento.

Bukod sa mga nabanggit na baril ay kasama ring natangay ang 10 pirasong tactical vests.

May hinala naman ang pulisya na posibleng isang sindikato na sangkot din sa mga bank robbery ang nanloob sa nasabing security agency. (Lordeth Bonilla)

Show comments