Namatay sa pinangyarihan ng insidente si SPO2 Emil Masi, 34, may-asawa na nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Group (SAID-SOG) ng North Caloocan City Police Station at residente ng #3-A A. F. Dela Cruz St., Maysan Valenzuela City sanhi ng mga tinamong tama ng bala mula sa .45 caliber at 9mm na mga baril.
Namatay naman habang ginagamot sa Dr. Rodriguez Memorial Hospital ang lady informer o asset nito na si Cassandra Francisco, 26-anyos, ng San Antonio St., Area D., Camarin, Caloocan City na tinamaan naman sa ulo at leeg.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Kiko-Camarin Road, Brgy. 178, Caloocan City. Lulan ng owner-type jeep ang mga biktima nang biglang harangin at pagbabarilin ng mga suspect na pawang nakasakay ng motorsiklo. (Rose Tamayo)