Ito ay matapos aprubahan na ng Committee on Ways and Means at Special Committee on Bases Conversion ang panukalang batas para sa pagkakaroon ng uniform tax incentives sa mga pangangalakal.
Layon aniya ng panukala na makapang-engganyo ng dayuhang mangangalakal na pumasok sa bansa.
Naging dahilan din ng dalawang komite sa pag-apruba ng panukala ang naging desisyon kamakailan ng Korte Suprema sa kaso na inihain ng isang business firm na nakatayo sa loob ng ecozone.
Sa desisyon ng SC, tanging Subic Special Economic and Freeport Zone ang siyang may malinaw na basehan para sa ibinibigay na tax incentives habang ang iba pang special economic at freeport zones ay wala.
Nakasaad sa panukala na ang insentibo ay ibibigay ang mga registered export enterprises na nakabase sa loob ng Clark Special economic zone, John Hay Special Economic Zone, Poro Point Special economic zone, Morong special economic zone at lahat ng iba pang ecozones sa bansa.
Kabilang rito ang tax exemptions, duty free importation ng raw materials and capital equipment at tax credit sa gagamiting local materials.
Magreremit lamang ng 5% ng kanilang gross income bilang buwis sa national government kabayaran ng mga businesses at enterprises na nasa loob ng ecozones. (Malou Rongalerios)