Base sa sketchy report ng Pasay City Youth Homes, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa naturang bilangguan.
Nabatid na sinamantala ng limang kabataang preso na hindi binanggit ang mga pangalan at may mga edad na 16 hanggang 17-anyos ang nagaganap na Christmas Party sa katabing gusali ng kanilang kulungan.
Sa pamamagitan ng isang bakal na nahagilap ng mga ito, dinistrungka nila ang padlock ng fire exit na nasa ikatlong palapag ng nasabing bilangguan.
Ang mga nasabing presong kabataan ay dumaan sa may gilid ng metal fences, kung kayat hindi ito gaanong napansin ng mga nagbabantay na jail guard dahil na rin sa dami ng mga tao sanhi ng nabanggit na okasyon.
Saka lamang napansin ng ilang jail officer ang pagtakas ng limang inmates nang masakote nila ang isa rito.
Ang mga kabataang inmates ay pawang may mga kasong robbery, theft at ang ilan naman ay nahuling sumisinghot ng rugby. Apat pa sa pumuga ang pinaghahanap ng pulisya. (Lordeth Bonilla)