Dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang lusubin ng mga tauhan ng OMB at RSAU ang mga tindahan ng mga vcd at dvd sa may Elizondi at Arlegui Sts. sa Quiapo. Nabatid na armado ng may 190 seacrh warrant ang OMB buhat sa Manila Regional Trial Court matapos na mabatid na talamak at lantaran nang pagbebenta ng mga iligal na vcd at dvd sa lungsod ng Maynila.
Isinakay ang mga nakumpiska na aabot sa milyong halaga sa limang van at mga trak. Walang nagawa ang mga may-ari ng tindahan at mga tindero sa mga trauhan ng OMB dahil sa suportang ibinigay ng pulisya sa operasyon.
Umangal naman ang ilang mga tindera dahil sa hindi umano kasama ang kanilang mga stall sa mga nakalagay sa search warrant ngunit nilimas pa rin ang kanilang mga paninda. Sinabi rin ng mga ito na akala nila ay wala nang raid dahil nakatimbre naman sila sa MPD-Station 3.
Sinabi naman ni OMB Chairman Edu Manzano na ang operasyon ay bahagi ng pinaigting nilang kampanya laban sa mga pirated vcd ar dvd lalo na at nalalapit ang Metro Manila Film Festival. (Danilo Garcia)