Naaagnas na bangkay natagpuan

Ang mabahong amoy ang naging susi upang matagpuan ang naaagnas na bangkay ng isang mestisang babae na hubo’t hubad na pinaniniwalaang pinatay ng kanyang live-in partner kahapon ng tanghali sa Pasay City.

Isinalarawan ng Pasay City Police ang biktima na nasa edad 20 hanggang 22, may taas na 5’2 at may apat na araw ng patay.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa Blk.5 Lot 9 Brgy. 87, Don Carlos St. Sto. Niño, Pasay City kung saan naka rehistro ito sa isang nagngangalang Jay Jimenez umano’y live-in ng biktima. Pinaghahanap ng mga awtoridad si Jimenez sa paniwalang responsable ito sa pagkamatay ng biktima.

Lumilitaw na napansin ng tenant na si Annabelle Rosales ang umaalingasaw na amoy na nanggagaling sa kuwarto ng biktima.

Binuksan nito ang kuwarto hanggang tumambad ang hubo’t hubad na katawan ng biktima habang tuyo na ang mga dugo sa katawan nito.

Napansin din ang duguang damit nito na itinapon sa toilet bowl ng banyo. (Lordeth Bonilla)

Show comments