Dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang mga biktimang sina Edgar Guera, 28, driver ng no. 128 Liwanag St. Diliman, Q.C. at Dario Canot y Navarro, 42, delivery helper at residente ng 129 Dela Paz St. Brgy Old Balara, Q.C. Namatay ang mga ito sanhi ng pagkabagok ng ulo at mga pasa sa katawan.
Kusang loob namang sumuko ang driver ng tanker na si Marvin Conde y Bronia, 29, ng 1884 Pres. Quirino Ave., Pandacan, Maynila.
Lumilitaw sa report ni SPO1 Reynaldo Patiag ng QC-Traffic Enforcement Group Sector 5 na naganap ang insidente dakong ala 1:40 ng madaling-araw sa tapat ng Commission on Audit (COA) sa Commonwealth Ave. Brgy. Holy Spirit, Q.C.
Sakay si Guera at Canot ng kanilang Isuzu Elf na may plakang RAH-923 nang biglang salpukin ng minamanehong tanker ni Conde na may plate number RAX-234.
Sa himpilan ng pulisya, agad namang inamin ni Conde na may iniwasan siyang kotse at hindi niya napansin ang sasakyan ng mga biktima.
Kakasuhan si Conde ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property sa QC Prosecutors Office.