Ayon kay DOH-National Epidemiologist Center chief Dr. Luningning Villa, itoy matapos na hindi na umano magpatuloy o tumaas pa ang lagnat nito batay na rin sa mahigpit na obserbasyon at pagbabantay na ginagawa ng mga eksperto rito.
Iginiit nito na bunsod na rin sa patuloy na pag-ayos ng kondisyon ng anak ng namatay na biktima, hindi na rin kinailangan pang dalhin ito sa Research Institute for Tropical Medicine upang sumailalim sa laboratory test.
Samantala, nanawagan naman ang nasabing opisyal ng DOH sa mga ka-barangay ng namatay na biktima na huwag pandirihan at pangilagan ang mga miyembro ng pamilyang naiwan nito dahil hindi naman kumakalat ang sakit na meningo sa hangin.
Maaari lamang umanong makahawa ang sakit na ito kung may close contact sa isang taong may sakit.
Bunsod nito kayat nanawagan si Villa sa publiko na huwag matakot kapag mayroong nabalitaang kaso ng meningo dahil sa ito ay sporadic cases lamang o manaka-naka at wala ring outbreak sa bansa.
Samantala, pinabulaanan naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na inirekomenda niya ang pag-quarantine sa isang village sa Malapatan Saranggani Province matapos na mamatay ang isang 5-anyos na batang lalaki dahil sa meningo. (Gemma Amargo-Garcia)