Batay sa police blotter ng Makati City Police, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Divine Ovista, 17, 3rd year student sa Arellano University.
Natagpuang nakabigti ang leeg nito ng nylon cord sa kanyang bahay sa no. 3842 F. Nazario St. Brgy. Singkamas, Makati City.
Sinabi ng kamag-anak ng biktima na kabiguan sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapatiwakal subalit tumanggi na ang mga ito na magbigay pa ng ibang detalye.
Tumanggi na rin ang pamilya ng biktima na isailalim ito sa awtopsiya. (Lordeth Bonilla)