Kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya sina Lambert Fajardo, 50; misis nitong si Jeannette, 48; anak na si Shiela May, 20, pawang mga residente ng Xavierville Subdivision sa Fairview, Quezon City at sekretarya na nakilalang sa pangalang Myla Silvestre.
Umaabot naman sa 50 biktima ng mga suspect ang dumagsa sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng kaso laban sa mga ito na mula sa lalawigan ng Nueva Ecija at Metro Manila.
Pinangangakuan ng mga suspect ang bawat isa na makapupunta sa Australia at makapagtatrabaho kung makapagbibigay ng P100,000 sa loob ng tatlong buwan.
Ayon sa isa sa mga complainant na si Dr. Francisco Ignacio, isinagawa ang entrapment operation sa mismong opisina ng mga suspect sa Detour Travel Center sa Regalado Ave. Fairview Park, Q.C.
Nagpanggap na muling magbibigay ng kakulangang P50,000 ang nirecruit na si Diana Embuscado sa mga suspect nang dakpin ng mga pulis.
Lumitaw kay Ignacio na umaabot sa P450,000 ang nakuha sa kanya at sa kanyang dalawang anak. (Doris Franche)