Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Jocelyn Santos, 25; Nilo Sarabia at Janet Ebardolaza, 30, pawang residente ng 812 El Cano St. Tondo, Maynila.
Bago ang pagka-aresto sa mga suspect, sinabi ni Supt. Edgar Danao, ng MPD-Station 2 na nakatiyempo ang kanyang mga tauhan ng mga batang kalye na sumisinghot ng rugby sa may Plaza Morga sa Tondo kung kayat agad-agad na pinigil ang mga ito.
Pinilit ng mga pulis ang mga paslit na nagkaka-edad lamang ng 10-taong gulang pababa na ituro sa kanila kung sino ang nagbebenta sa mga ito ng solvent.
Sinamahan ng mga paslit ang mga awtoridad sa bahay ng mga suspect kung saan narekober pa sa mga nadakip ang may 205 botelya ng solvent na nagkakahalaga ng P40 bawat isa.
Ayon pa sa mga bata, noong una ay P30 lamang umano ang bawat isang botelya ngunit kamakailan ay nagtaas ng presyo ang mga suspect.
Binanggit pa ng pulisya na nang-iisnatch ang mga batang kalye ng mga alahas, bag o cellphone upang may maipangtustos sa kanilang bisyo na pinagkakakitaan naman ng mga nadakip.