Inamin kahapon ni Commodore Wilfredo Tamayo, PCG commander sa National Capital Region at Central Luzon na may mga adik na seaman at may ilan ding marinong Pinoy ang nakikipagsabwatan sa ilang drug lords sa mga opisyal upang maibiyahe ang kontrabando.
"Kaya kailangan ang drug test bago mabigyan ng seaman;s certificate ang isang aplikante. Dapat nating tiyaking walang adik na seaman ang makakasakay ng barko," ani Tamayo.
Nilinaw pa ni Tamayo na hindi lamang ang mga overseas seaman ang sangkot sa illegal na droga kundi maging ang mga nasa inter-island vessels. Binanggit niya ang pagkakadakip ng pinagsanib na operatiba ng Coast Guard at Bureau of Customs sa dalawang marino ng German Flag vessel M/V YM Xingang na nahulihan ng 50 kilo ng pinatuyong marijuana.
Base sa ulat ng Maritime Industry Authority (Marina) na may 14 seaman ang positibo sa paggamit ng droga matapos magsagawa ng drug test sa isang barko na nakadaong sa may Southern Tagalog area. (Gemma Amargo Garcia)