Nakilala ang biktima na si Ailyn Cadiao, stepdaughter ng negosyanteng si Richard Dadivas, 46, tubong Capiz, Roxas City at naninirahan sa Vista Verde, Phase 3, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang sapilitang kunin at tutukan ng baril si Cadiao sa loob ng RD Dadivas Coco Lumber & General Merchandising sa Lot 220 Blk. 8, General Luis, Kaybiga ng nasabing lungsod.
Nabatid na sapilitang isinakay ng mga suspect si Cadiao sa puting Kia Pride na walang plaka at mabilis na tumakas patungo sa Sitio Gitna, ng naturang lungsod.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa mga suspect na hinihinalang miyembro ng kidnap-for ransom gang. (Rose Tamayo)