Sa ginanap na pagpupulong ng QC Anti-Drug Abuse Council na pinangunahan ni Vice Mayor Herbert Bautista, Muslim Consultative Council at ilang local leaders, umaasa silang matutukoy sa pamamagitan ng ID system ang mga grupong nagsasagawa ng iligal na operasyon. Ito din ang magiging daan upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa lungsod.
Kasabay nito, sinabi ng mga Muslim na kinokondena din nila ang pagkakasangkot sa sindikato ng kanilang mga kapwa Muslim.
Ayon naman kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, hindi naman nila pinipili ang kanilang mga hinuhuli. Aniya, nagkakataon lamang umano na ang mga grupo na kanilang minamanmanan ay kinasasangkutan ng mga Muslim at hindi nangangahulugan na pinag-iinitan ito ng mga pulis.
Bukod kina Bautista at Radovan ang pulong ay dinaluhan din nina PDEA Director IV Ansary Alonto at QCDAC Executive Director Aldrin Cuña. (Doris Franche)