"We will get justice and there is no amount of apology will make us withdraw from the case," matigas na saad ni Tarroza sa isang panayam sa kanya matapos itong magsampa ng Frustrated Homicide laban sa action star sa Prosecutors Office ng Pasig Regional Trial Court (RTC).
Kamakalawa ng hapon ay nagsampa ng kaso sa korte si Tarroza kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Joed Serrano na umuwi pa galing Japan upang magbigay ng suporta sa una.
Matatandaang sinugod ni Fernandez si Tarroza sa loob ng opisina ng VIVA Entertainment na matatagpuan sa Tektite East Tower sa Ortigas Center sa Pasig noong Martes ng gabi at pinagbubugbog, pinukpok ng tatlong beses sa ulo at tinutukan ng baril si Tarroza makaraang malaman ng aktor na si Tarroza at Serrano ang dahilan kung bakit idiniport ang grupo ng aktor sa Japan at pinabalik sa Pilipinas.
Samantala, Mariin namang itinanggi ni Serrano ang akusasyon dahil sa wala umano silang kapangyarihan para gawin iyon. (Edwin Balasa)