Ayon kay Pasig City Mayor Vicente "Enteng" Eusebio, ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado ng Pasig City Hall ay upang may magastos ang mga ito sa darating na araw ng Undas kung saan tatagal nang halos isang linggo ang bakasyon ng mga empleyado.
Dagdag pa ni Eusebio, isusunod naman nilang ibigay sa unang linggo ng Disyembre ang 14th month pay nila at karagdagang P5,000 cash gift.
Napag-alaman sa rekord na mayroong 4,160 empleyado ang Pasig City Hall. 1,159 dito ay permanente at 3,301 ay contractual.
Naibigay nang maaga ang bonus ng mga empleyado matapos na makuha ng lungsod ng Pasig ang tax collection target ngayong taon at inaasahan din na sa susunod na taon, matapos na makapagpasok ng 22,000 bagong business establishments ang lungsod ngayong taon lang na ito, tumaas ng 77 porsyento ng nakaraang 2004. (Edwin Balasa)