Paslit na-hit-and-run

Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang batang lalaki makaraang ma-hit-and-run ng isang kotse kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa National Orthopedic Hospital ang biktimang si Richmond Valenzuela, 8, ng #96 ROTC Hunters Cluster 19; Kaliraya St., Tatalon, ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Araneta Avenue.

Tumatawid ang biktima papasok sa paaralan nang bigla na lamang dumating ang isang rumaragasang kotse na isang Sedan at nahagip ang bata na tumilapon sa lakas ng pagkabundol.

Mabilis namang tumakas ang suspect at wala ring nakakita sa plaka ng sasakyan upang papanagutin ito sa nasabing kaso, konsensiya na lamang umano ang laban. (Doris Franche)

Show comments