Binatilyo, sinalvage

Natagpuang lumulutang-lutang sa ilog ng Navotas ang bangkay ng isang binatilyo na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Tinatayang nasa edad na 10-15 ang biktima at nakasuot ng berdeng sando, itim na short at payat ang pangangatawan.

Batay sa ulat, dakong alas-2 nang matagpuan ni Edar Angeles ang bangkay ng biktima na lumulutang-lutang sa Malabon-Navotas River malapit sa compound ng paggawaan ng sardinas.

May tama ito ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa likurang bahagi ng ulo.

Posible umanong pinagtripan ng mga adik sa lugar ang biktima. Gayunman, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya. (Rose Tamayo)

Show comments