Nagbigay ng tatlong sako ng bigas at 13 kahon ng mga de lata ang mga konsehal na kinabibilangan nina Jeorge "Bolet" Banal, Resty Malangen, Boy Calalay, Bayani Hipol, Bong Liban, Ariel Inton at Edcel Lagman.
Ayon kay Banal, patuloy nilang susuportahan ang mga proyekto ng city jail dahil marami sa mga inmates ang hindi nabibigyan ng sapat na pagkain.
Sinabi naman ni QC Jailwarden Supt. Ignacio Panti na malaking tulong ang bigas at de lata na hinandog ng mga konsehal dahil maraming preso ang hindi nakakakain nang husto bunga na rin ng maliit na budget sa pagkain.
Subalit ang lahat ng kakulangan ay pinupunan ng BJMP upang maiwasan anumang sigalot dulot ng pagkaburyong at pag-aaway ng mga inmates.
Samantala, isang bagong service van din ang tinanggap ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa Hessed Vessel Foundation na makatutulong sa mga jail personnel.
Ayon kaya Sr. Insp. Analiza Pama, CRS chief, walang magamit ang mga personnel sa oras ng emergency dahil ang lahat ng mga sasakyan ng BJMP ay nakalaan sa paghahatid ng mga preso sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. Sinaksihan naman ni BJMP chief Director Arturo Alit ang simpleng seremonya. (Doris Franche)