‘Tolits’ bagong Ambassador

Pormal nang Ambassador of Goodwill si Bernardo "Tolits" Forbes kaugnay ng programang Bright Child Program ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos itong lumagda ng kontrata sa Council for the Welfare of the Children (CWC).

Ayon kay DILG Secretary Angelo Reyes, malaki ang maitutulong ni Tolits sa panghihikayat sa mga bata na maging listo at malusog.

Ipakikita ni Tolits sa mga kapwa niya bata ang kahalagahan ng pagkain ng wasto at ang idinudulot nitong kabutihan sa bawat isa.

Dahil dito, nanawagan si Reyes sa lahat ng mga local government units na suportahan ang Ambassador upang mas marami pang paslit at kabataan ang lumaki ng maayos. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments