Bumaha ng isda sa EDSA

Umaabot sa anim na toneladang isda ang tumilapon mula sa 6x6 truck matapos na bumangga sa pink fence ng MMDA sa may Santolan, EDSA kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nabatid na galing Talisay, Batangas ang nasabing truck papuntang Farmers Market sa Cubao na doon idedeliber ang mga isda.

Ayon sa ulat nasa EDSA-Santolan flyover ang truck na bigla umanong gitgitin ng isang rumaragasang bus kung kaya bumangga ito sa pink fences na nakaharang.

Hindi naman naplakahan ng driver na si Robert Mayuga ang bus.

Natanggal ang dalawang gulong ng truck hanggang sa tuluyan itong bumangga at nagbagsakan ang mga kargang isda. (Doris Franche)

Show comments