Pangungunahan ni Pangulong Arroyo ang launching ng "Metro Padyakan" sa darating na Sabado (Setyembre 3) sa mga pilot areas katulad ng Xavierville at Katipunan Avenue patungong Edsa, Quezon City.
Puspusan ang paggawa sa mga bike routes para sa conversion ng isa hanggang dalawang linya na pink bike lanes ng mga itinalagang traffic engineers at construction men ni MMDA Chairman Bayani Fernando.
Layon ng "Metro Padyakan" na mabigyan ng proteksyon at madadaanan ang mga bicycle users sa Metropolis partikular ang mga beginners.
Tiniyak ni Fernando na sa panahon ng krisis sa enerhiya, ang paggamit ng bisikleta ay isa sa pinakamurang paraan ng transportasyon bukod pa sa napakagandang dulot na ehersisyo sa katawan at kalusugan.
Nirerepaso pa ng ilang traffic engineers ang ilang secondary routes sa Quezon City na maaaring lusutan at short-cut na daraanan ng bisikleta.
Samantala, ilan sa mga identified locations ng pedal way sa Quezon City ang Kamuning flyovers, EDSA corner Lane 1, NIA Road, Median Island sa kahabaan ng Agham Road, BIR Road, Panay Avenue, Bohol Avenue sa kanto ng Scout Borromeo, Timog Avenue at Scout Reyes, Scout Castor, Scout Ybardolaza, Scout Medrinian, Scout Esquerra, Scout Magbanua at Mother Ignacia. (Lordeth Bonilla)