Ang kautusan ni Reyes ay bunsod na rin ng isinumiteng sworn affidavit ni Ramoncito Sapinoso, isang empleyado ng city hall na madalas umanong ginagamit sa pakikipag-cyber sex ng isa pang kawani ng city hall ang mga computer tuwing Sabado at Linggo gamit ang webcam ng hindi nalalaman ng kanilang opisyal.
Sa salaysay ni Sapinoso, madalas umano niyang naaaktuhan si Esther Rabago na isang support staff ng city hall na gamit ang computer sa pakikipag-cyber sex. Ito umano ay dating tauhan ni Ex-Vice Mayor Cynthia Cajudo.
Nabatid kay Sapinoso na may pagkakataon na nagpapaturo pa umano sa kanya ng mga salitang Ingles si Rabago para sa kanyang pakikipag-chat sa mga foreigner na pinaniniwalaang customer nito gamit ang mga malalaswang salita.
Samantala, isang Noel Lorenzana naman ang umamin na siya ang naka-usap ni Rabago sa telepono at hindi si Atty. Noel Atienza na unang inakusahan ng babae ng sexual harassment. Subalit sinabi naman ni Lorenzana na wala siyang sinabing anumang malalaswang salita kay Rabago. (Doris Franche)