Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Vidal Querol na marami pang mga pulis ang kanilang ipapakalat sa mga shopping malls at iba pang mga matataong establisimento.
Gayundin sa mga istasyon ng MRT. LRT at iba pang itinuturing ngang mga soft targets ng terror attack.
Kasunod nito ay inihayag rin ni PNP Spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil na maging sa mga kanugnog na lugar ng Metro Manila sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ay itinaas rin nila ang alert status.
Nanawagan rin ang mga opisyal ng PNP sa publiko na maging mapagbantay at agad na ireport sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang pagkilos ng mga posibleng terorista.
Nabatid na ilang JI at ASG elements ang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad dahilan sa bantang pambobomba ng naturang grupo.
Samantalang pinalakas na rin ang intelligence gathering ng PNP at AFP para masupil ang banta ng mga elementong terorista. (Joy Cantos)