Sa ipinalabas na memorandum order ng Department of Transportation and Communications (DOTC) General Manager Roberto Lastimoso, ang pagbabawal ng mga tin cans katulad ng softdrinks, juice drinks at mga de-latang pagkain sa MRT ay bunsod ng pagkakatanggap ng intelligence report na muling aatake ang mga terorista sa Metro Manila at gagawa ng pagpapasabog sa matataong lugar.
Napag-alaman pa kay Lastimoso na karaniwang ginagamit ng mga terorista ang mga tin cans para lagyan ng mga pulbura para gamiting pampasabog.
Napag-alaman na una nang ipinagbawal ang mga tin cans sa mga sinehan matapos na pasabugin ang isa sa mga sinehan sa SM Megamall noong 2001.
Nagbabala rin si Lastimoso sa mga pasahero ng MRT na huwag na silang magbalak na magdala ng anumang uri ng tin cans dahil siguradong hindi sila pasasakayin sa nasabing tren. (Ulat ni Edwin Balasa)