Ito ang binigyang diin ni chief Director Arturo Alit kaugnay na rin ng kanilang programanmg baguhin at linisin ang hanay ng mga jailguards at personnel.
Ayon kay Alit, hindi umano niya papayagan na labagin ng mga jail personnel ang karapatan ng isang bilanggo bagamat ang mga ito ay nasa likod ng rehas na bakal.
Pinamomonitor din niya ang mga kilos ng kanyang mga tauhan na umanoy nangingikil sa mga dalaw at preso, nagsisimula ng gulo, sangkot sa ibat ibang bisyo, tamad at abusado.
Ang sinumang jail personnel na PANGIT ay agad na papatawan ng kaukulang parusa mula sa suspension hanggang sa dismissal.
Matatandaan na inilunsad ni Alit ang Oplan Kontra Balukol laban sa mga jail personnel na masasangkot sa ibat ibang ilegal na aktibidades. (Ulat ni Doris Franche)