Ex-starlet, inatake sa puso

Binawian ng buhay ang dating sexy star na si Teresita "Tet" Antiquiera makaraang atakihin sa puso sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City.

Ayon kay Sr. Insp. Rey Medina ng QCPD-GAS, dakong alas-9:30 ng gabi nang makitang nag-collapsed si Antiquiera sa kanyang bahay sa No. 21 Zuzuaregui St. Premier Court Subdivision, Brgy. Old Balara ng naturang lungsod.

Sa pahayag ni Herson Antiquiera, napansin niyang naglilinis ng bahay ang aktres nang bigla itong mag-collapsed kasabay ng pagbula ng bibig nito. (Doris Franche)

Show comments