Hapones nalugi sa negosyo nagbigti

Nagpatiwakal ang isang Hapones matapos umano itong malugi sa kanyang negosyo, kamakalawa sa Muntinlupa City.

Sa naantalang ulat, nakilala ang nasawi na si Takashi Ito, 53, ng 216 Building 3, Water Fun Condominium, West Service Road, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-5 ng hapon nang matagpuan ng misis na si Nissa ang bangkay ng Hapones na nagbigti gamit ang sinturon sa loob ng condo unit.

Posible umanong may kinalaman ang pagkalugi ng negosyo nito sa isinagawang pagpapatiwakal.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments