Ito ay makaraang mag-isyu ang korte ng temporary restraining order (TRO) sa PNP para ihinto ang imbestigasyon nito laban kay Laarni at iba pa kaugnay sa kasong inciting to sedition at serious illegal detention.
Sa 5-pahinang desisyon, inatasan ni QCRTC Branch 153 Judge Ma. Luisa Padilla si PNP Chief Arturo Lomibao at Criminal Investigation and Detection Group director Chief Supt. Ricardo Dapat na ihinto ang isinasagawang pagbusisi laban kina Laarni, aktor na si Rez Cortez, dating DAR Secretary Horacio Morales, Angelito Santiago at Wilson Fenix.
Ayon kay Judge Padilla ay dahil sa lumabag ang mga opisyal ng PNP sa karapatan ng mga akusado nang hindi nila binigyan ng kopya ng affidavit ni Sgt. Vidal Doble na nag-akusa sa grupo ni Enriquez tungkol sa taped controversy at nagsabing binayaran siya (Doble) nito ng P2 milyon para amining siya ang kumuha sa wire tapped conversations nina GMA at Comelec official.
Inatasan din ng korte ang mga opisyal ng PNP na magsumite ng sagot sa korte sa loob ng 10 araw hinggil sa naturang kaso.
Itinakda ang preliminary injunction sa Hulyo 26. (Ulat ni Angie dela Cruz)