Ayon kay NCRPO chief Vidal Querol, iniutos na niya ang pagsibak sa tungkulin ni Senior Supt. Alejandro Alisanco, hepe ng ng Police Community Precinct 8 sa Brgy. Comembo bilang pagsunod sa kautusan ni PNP chiief Director General Arturo Lomibao ng one strike policy sa jueteng.
Bukod sa pagkakasibak kay Alisanco, pinagpapaliwanag din ni Querol si Makati City police chief Senior Supt. Jovy Gutierrez kung bakit mayroon pang jueteng sa kanyang nasasakupan.
Napag-alaman na nagsagawa ng operasyon dakong alas-7:45 ng gabi kamakalawa ang Regional Intelligence Group ng NCRPO matapos na makatanggap ng text messages mula sa concerned citizen patungkol sa patuloy na operasyon ng jueteng sa naturang lugar.
Sa isinagawang operasyon naaresto ang mga kolektor na nakilalang sina Ernesto Pangan, 47, Inocencio Habulan, 57; at Joseph Navarro, 34, habang nagpapataya ng jueteng sa Brgy. Comembo.
Si Alisanco ay pansamantalang inilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, habang inihahanda ang kasong administratibo dahil sa pagpapabaya sa tungkulin. (Ulat ni Edwin Balasa)