Batay sa resolusyon, may sapat na ebidensiya upang maisulong ang kaso laban kay Ong.
Sa naging pag-aaral ni State Prosecutor Emmanuel Velasco, malisyoso umano ang mga binitiwang salita ni Ong nang ibunton lamang ang lahat ng sisi kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sa sinasapit umanong kahirapan at laganap na corruption sa bansa.
Naniniwala ang DOJ na nakikipagsabwatan si Ong sa mga ibang grupo o personalidad upang mahikayat ang taumbayan na mag-alsa laban sa pamahalaan sa pamamagitan ng maling mga impormasyon.
Kaagad isinulong sa korte ang kaso bunsod ng hindi pagsipot ni Ong sa preliminary investigation at hindi rin paghahain ng counter-affidavit upang sagutin ang mga akusasyon.
Kabilang sa pinagbatayan ang isinagawang press conference ni Ong noong Hunyo 10, 2005 kung saan hinimok nito ang mga militar at huwag kilalanin si Pangulong Arroyo bilang commander-in-chief dahil wala itong mandato dahil sa umanoy pandaraya sa eleksiyon.
Inirekomenda ang P12,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Ong. (Ulat ni Grace dela Cruz)