2 miyembro ng "Cable Gang" arestado

Arestado ang dalawang security guard na umano’y miyembro ng "Cable Gang" makaraang maaktuhan na nagnanakaw ng cable wire, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kasalukuyang nakakulong sa Central Police District-Station 6 ang mga suspect na sina Nolando Villanueva, 35 at Alex Ibut, 25.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maaktuhan ang dalawang suspect habang nagpuputol ng skycable wire sa isang poste sa may Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik, Novaliches.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang duty guard at nakita ang pagnanakaw ng dalawang suspect. Dahil dito, agad na humingi ng responde ang duty guard sa mga awtoridad dahilan upang maaresto ang mga suspect.

Nabawi sa mga nadakip ang may 20 metro ng wire habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments