Kasama sa mga papatawan ng parusa ang mga taxi, commercial airlines, barko, Light Railway Transit at Metro Railway Transit (MRT), na dapat magkaloob ng 25 porsiyentong diskuwento sa mga estudyante.
Ayon kay Alif party list Rep. Acmad Tomawis, hindi lamang ang mga pampasaherong jeep at bus ang dapat magbigay ng 20% diskuwento kundi maging ang iba pang uri ng transport utilities.
Malaki aniya ang maitutulong ng pagbibigay ng diskuwento sa pasahe sa barko at eroplano sa mga estudyanteng umuuwi ng buwanan sa kanilang mga magulang sa probinsiya.
Makakatulong din ang diskuwento sa mga estudyante na nagsasagawa ng research, educational tours, training at seminars sa mga malalayong lugar sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, ang diskuwento sa pasahe ay ibibigay sa buong taon kasama na ang weekends, holidays, semestral breaks at Christmas breaks para sa lahat ng elementary at secondary students o tuwing semestre sa mga estudyante sa kolehiyo maging ang mga mag-aaral sa vocation at technical schools. (Ulat ni Malou Rongalerios)