Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, magkakaroon ng clarificatory hearing sa darating na Hunyo 6 sa Estados Unidos at ang bagong petition hinggil sa extradition case laban kay Strunk ay isasampa sa sala ni Judge Gregory Hallows ng Eastern District Court of California.
Ipinaliwanag ni Gonzalez na kung muling ibabasura ni Hallows ang nasabing petition ay maaaring ito na ang maging "katapusan" ng nasabing kaso laban kay Strunk.
"Its make or break this time," ani pa ni Gonzalez.
Aniya, sa ngayon ay patuloy nilang iniipon at pinag-iisa ang mga records hinggil sa nasabing kaso ng namayapang aktres upang maging maayos ang muling pagpapadala nito sa Estados Unidos.
Isasama rin sa petition ang mga testimonya ng tatlong bagong witnesses na sina Fedelyn Canonio, Andrada Dalandas at Ronnie Francisco.
Una nang ibinasura ni Hallows ang petition for extradition laban kay Strunk dahil sa kakulangan ng ebidensiya. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)