Medical student nagbigti

Makaraan umanong ma-kicked out sa University of Santo Tomas (UST), winakasan na ng isang medical student sa Far Eastern University (FEU) ang kanyang buhay nang magbigti ito kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang biktimang si Adrian Robles, 18, ng Blk. 8 Lot 1 Beethoven St. North Olympus Subdivision, Brgy. Kaligayahan ay natagpuang nakabigti ng kurtina sa spiral stair ng kanyang yaya na si Marithe Rotaot dakong alas-5:15 ng umaga.

Ayon kay Sr. Insp. Rey Medina ng CPD-CID hindi umano matanggap ng biktima na na-kicked out siya sa UST kung saan may kurso itong Industrial Engineering.

Gayunman, bago magpakamatay, nagawa pang magkapag-enroll sa FEU ng biktima kung saan isa itong medical student. (Doris Franche)

Show comments