Itoy matapos na sabihin ng batang suspect na napag-utusan lamang siya ng kanyang tiyahin na ideliber sa kanilang kliyente ang pinatuyong marijuana buhat sa Benguet.
Ayon kay QCADAC Chairman at Vice Mayor Herbert Bautista, mas malaki ang responsibilidad at kasong kinakaharap ng tiyahin ng batang naaresto dahil sa posibleng ito ang siyang nagpapakalat ng marijuana mula sa lalawigan ng Benguet patungo sa Maynila.
Sinabi ni Bautista na pansamantalang inilagak sa Molave Youth Homes ang bata, habang inihahanda ang kaso laban dito.
Nadakip ang bata kamakalawa ng hapon habang bitbit ang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa mga overpass ng Camachile, North Diversion Road sa Balintawak, ng nabanggit na lungsod.
Narekober mula sa pag-iingat nito ang isang bloke ng marijuana na nakabalot sa packaging tape at nagkakahalaga ng P3,600. (Ulat ni Doris Franche)