Nakilala ang biktima na si Ali Rasul Botowan, 36, may asawa, tubong Marawi City at residente ng Quiapo, Maynila.
Nabatid mula sa ulat ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng Palanca St., Quiapo Islamic Center.
Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima ng bigla na lamang itong lapitan ng hindi nakikilalang suspect at pinagbabaril.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect habang agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin umabot nang buhay.
Ayon sa ilang residente, minsan umanong nabanggit ng biktima na kinuha siyang informer ng NBI kaya malaki ang posibilidad na mga kriminal partikular na ang mga miyembro ng sindikato ng droga ang pumaslang dito. (Ulat ni Danilo Garcia)