Batay sa 15-pahinang resolution ni State Prosecutors Pablo Formaran III at Irwin Maraya, mayroong matibay na ebidensiya laban kay Wang at lima pa nitong kasamahan, kung saan nagsabwatan ang mga ito upang maisagawa ang pagdukot kay Yu.
Kasama ni Wang na sinampahan ng kaso ay sina Noel San Andres, Romeo Orcajada, Rowena San Andres, Octavio Garces at Adrian Domingo.
Samantalang ang akusadong si Alberto Pagdanganan ay hindi naman nakasuhan dahil sa pagiging state witness nito hinggil sa naturang kaso. Ito ang nagturo kay Roldan at Wang na umanoy mga utak sa kidnapping.
Una nang sinampahan ng kasong kidnapping si Roldan.
Magugunita na noong Marso 7, nagpalabas ng Hold Departure Order (HDO) si Justice Secretary Raul Gonzales laban kay Roldan, Wang at iba pang kasabwat ng mga ito sa pagkidnap sa paslit na si Kenshi. (Ulat ni Grace dela Cruz)