Ipinatupad ni MIAA General Manager Al Cusi, ang biglaang drug test para malaman kung sino sa employees sa paliparan ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Hindi muna ibinunyag ni Cusi ang mga pangalan ng porters na tinanggal sa trabaho.
Nagbabala si Cusi sa lahat ng empleyado ng MIAA kabilang ang NAIA Press Corps Inc. na gumagamit ng droga na hindi ang airport ang lugar ng kanilang bisyo.
Ayon pa kay Cusi, hindi dapat mahaluan ng mga drug addict ang paliparan dahil posibleng makagawa ang mga ito ng hindi kanais-nais.
Isasama rin ni Cusi ang mga miyembro ng Airport Police Force para sa random drug testing.
Samantala, sinabi ni NAIA Press Corps. Inc., Vice-President at NPC Director Jerry S. Yap, na sang-ayon siya sa mungkahi ni Cusi na isama ang mga mamamahayag na kumokober ng paliparan sa drug testing. (Ulat ni Butch Quejada)