Nagtataka si Konsehal Henry Cammayo kung bakit si Malonzo ang nagsasalita para sa kanyang anak na pinaniniwalaan ng konsehal na may kakayahan namang magpaliwanag dahil nasa sapat na gulang na ito.
Pinatunayan lamang umano nito na ginagamit ni Malonzo ang kanyang anak para makabalik sa kapangyarihan at sa pulitika sa lungsod.
"Kawawa naman yung bata dahil parang nagiging robot siya na sunud-sunuran sa utos ng ama niya," dagdag nito.
Pinasinungalingan din ni Cammayo ang pahayag ng dating alkalde na kinonsulta niya ang mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa kanyang desisyon na i-nominate ang anak upang pumalit sa namayapang si Konsehal Eduardo "Popoy" Rosca sa Sangguniang Panglungsod.
Idinagdag pa na alam ni Malonzo, Lakas-Caloocan chapter chairman, na kung tatanungin niya ang mga miyembro ng partido kung sino ang nararapat pumalit sa naiwang posisyon ni Rosca ay siguradong hindi ang mapipili.
Bukod sa anak ni Rosca na si Kristen Joy, sinabi ni Cammayo na mas pipiliin ng mga partido si William "Daddy" Villegas, isa sa kanilang kandidato na pang-pito sa linya ng mga ibinoto, upang pumalit sa namatay na kasamahan. (Rose Tamayo)