Sa bisa ng kautusan ng Korte Suprema, inatasan nito ang pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) na ilipat ang 13 ASG death convicts sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.
Noong Lunes isinagawa ang paglilipat kung kayat tripleng paghihigpit ng seguridad ngayon ang ipinatutupad sa naturang piitan.
Nabatid na ang 13 convicts ay nakahiwalay ng kulungan at hindi sila isinama sa natitira pang 107 ASG na pawang sangkot sa nakaraang Camp Bagong Diwa siege.
Gayunman, hindi isinama sa inilipat ang ASG leader na si Hector Janjalani at tatlo pang terorista na hindi binanggit ang pangalan. Ang mga ito ay nananatili sa maximum security compound ng NBP sa Muntinlupa City.
Layunin ng hakbangin ng Korte Suprema ay para umano sa mga gagawing pagdalo ng mga ito sa pagdinig sa panibagong kasong kanilang kinakaharap, kabilang dito ang kidnapping at multiple murder. (Ulat ni Lordeth Bonilla)