Ayon kay LRA Administrator Benedicto Ulep, pinadalhan na ng LRA ng final notice of termination si Cezar Quiambao, hepe ng LARES bunga ng pagkabigo na isulong ang nasabing proyekto sa ilalim ng napagkasunduang Build-Operate-Own (BOO) contract noong Mayo 26, 2000.
Nabatid na may nakuha din umanong P4 bilyon kontrata si Quiambao para naman sa modernisasyon ng proseso sa passport subalit hanggang sa ngayon ay hindi rin ito operational. Ito sana ang paraang gagamitin upang maiwasan ang pamemeke ng mga dokumento at para sa anti-terrorism security.
Sinabi naman ng isang source na malaki umanong kahihiyan sa bansa na hindi naipatutupad ang dalawang malaking proyekto na hawak ni Quiambao lalo pat sangkot dito ang pangunahing dokumento ng bawat Filipino na nais na magtungo sa ibang bansa.
Sa naturang notice of termination noong Marso 7, 2005, sinabi ni Ulep na binigyan nila ng sapat na panahon si Quiambao upang ipaliwanag ang dahilan ng kanilang pagkabigong maisagawa ang kontrata subalit wala naman umano silang natanggap na sagot mula dito.
Hinikayat naman ng mga tauhan ng LRA ang kanilang mga opisyal na manindigan sa kanilang desisyon sa posibilidad na ma-pressure ang mga ito upang muling bigyan ng isa pang pagkakataon si Quiambao. (Doris Franche)