Bangko nasunog

Isa pang sunog ang naitala ngayong buwan ng Fire Prevention Month matapos na matupok ang ikalawang palapag ng isang bangko, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, sumiklab ang apoy dakong alas-11:30 ng gabi sa ikalawang palapag ng Maybank sa may panulukan ng Fajardo at Dela Fuente St. sa Sampaloc.

Ayon sa mga residente, nakita na lamang nilang lumalabas ang isang makapal na usok buhat sa bubungan ng bangko. Agad namang naapula ang sunog makalipas ang kalahating oras.

Hindi pa matiyak kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang ari-ariang natupok sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments