Ayon kay QC Jailwarden Sr. Supt. Ignacio Panti, kailangan nilang ipatupad ang regulasyon ng piitan upang maiwasan ang anumang gulo na dulot ng mga dalaw.
Aniya, hihingan nila ng ID ang mga dadalaw sa araw ng mga puso upang malaman kung sinu-sino ang mga preso na dinadalaw ng kanilang mga asawa at pamilya.
Nilinaw ni Panti na nasa blue alert status ang QC Jail at papayagan nila ang dalaw ngayong Pebrero 14 alang-alang sa paggunita ng araw ng mga puso. Nabatid na walang dalaw ng Lunes ang QC Jail upang bigyan daan ang paglilinis ng kulungan.
Samantala, pinaiigting din ni Panti ang programang "Kontra Balokol" na naglalayong madakip ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa jail na sangkot sa ibat ibang katiwalian.
Ipinaliwanag ni Panti na agad na inirerekomenda ang pagsasampa ng kaso sa mga jailguards na nasasangkot sa katiwalian at extortion upang hindi na tularan pa ng ibang tauhan ng BJMP. (Ulat ni Doris Franche)