Obrero, paslit dedo sa sagasa

Isang construction worker at 8-anyos na bata ang namatay matapos na masagasaan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Marikina City.

Kinilala ni Supt. Ramon Marquez ng CPD-Sector 5 ang biktima na si Nestor Isaguerra, 28 ng # 7 Zuzuaregi St. Brgy. Old Balara matapos na mabasag ang bungo habang kusang-loob namang sumuko ang driver na si Bienvenido Aguirre, 24 ng 013 Premium St. GSIS Village, Proj. 8, Q.C.

Batay sa pagsisiyasat, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Ave. Paparating si Aguirre nang hindi nito napansin ang patawid na biktima hanggang sa mabundol at tumilapon.

Samantala, dead-on-the-spot naman si Arvie Tamayo, estudyante ng Purok 2, Zone 8 Brgy. Cupang, Antipolo nang masagasaan ni Edwin Gomez, 37, taxi driver.

Nangangaroling ang biktima kamakalawa ng gabi nang bigla umano itong mahagip ni Gomez hanggang sa lumusot at maipit sa ilalim ng taxi.

Sina Aguirre at Gomez ay kapwa sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Ulat nina Doris Franche at Edwin Balasa)

Show comments