Ayon kay NCRPO chief Director Avelino Razon. Jr. kailangan niyang ilagay sa red alert status ang kanyang kapulisan dahil maraming tao ang nasa lansangan kaugnay ng holiday season.
Bagamat nagkasundo ng ceasefire ang pamahalaan at mga rebelde hindi dapat na balewalain ang pag-atake naman ng iba pang sindikato.
Sinabi ni Razon na hindi na dapat pang maulit ang nangyaring Rizal Day bombing na ikinamatay at ikinasugat ng maraming sibilyan noong Disyembre 30, 2002.
Aniya, hindi umano biro ang pagkakadiskubre ng C-4 bomb dakong alas 7:45 sa G-Liner bus noong Biyernes ng gabi. Posible na naman itong kumitil ng buhay kung hindi agad na-defuss ng mga awtoridad.
Dahil sa wala pang linaw kung sino ang responsable sa paglalagay ng bomba sa nasabing bus, sinabi ni Razon na kailangan na maging alerto ang buong MM police dahil ginugunita ngayon ng New Peoples Army (NPA) ang kanilang ika 36 taong anibersaryo.
Pinadoble din ni Razon ang pagbabantay sa mga vital installations sa Kalakhang Maynila partikular na ang mga oil companies at embassy na naging target ng mga pinaniniwalaang rebelde kamakailan. (Ulat ni Doris Franche)