Ayon sa MMDA, kailangan nilang gawing ang pagsasara ng ilang daan dahil inaasahang maraming taga suporta at tagahanga ni FPJ ang makikipaglibing bukod pa sa bilang ng mga kasamahan nito sa showbiz.
Gayunman, kailangan ding na bigyan ng alternatibong ruta ang mga motorista upang hindi maabala habang dinadala na sa kanyang huling hantungan si FPJ.
Kaugnay nito, sinabi naman ni CPD Director Sr. Supt. Nicasio Radovan na maglalaan sila ng sapat na bilang pulis upang magsilbing bantay mula sa pag-aalis ng labi ni FPJ sa Sto. Domingo Church patungong Manila North Cemetery upang matiyak na walang magaganap na anumang karahasan.
Sa katunayan, ngayon pa lamang ay inutos na rin niya ang paglalaan ng pulis na magbabantay sa mga lugar sa paikot ng Sto. Domingo upang matiyak na walang mga sindikato ang mananamantala sa mga sibilyan na dadalaw sa labi ni Da King. (Lordeth Bonilla at Doris Franche)